Nakapagtala ng mas mababang porsiyento ng non-index crime sa bansa ang Philippine National Police (PNP) sa loob ng tatlong buwan.
Sa pag a-analisa ng PNP Crime Research Analysis Center, lumalabas na bumaba sa 3.88% ang non-crime index sa bansa mula Hulyo hanggang Oktubre 8 ng taong ito kung ikukumpara sa nakalipas na taon.
Ayon pa sa datos, sa lalawigan ng Mindanao nakapagtala ang Crime Research Analysis Center ng pinakamalaking pagbaba sa non-index crime na nasa 10.79% na katumbas naman ng 4 na porsiyento pagbaba sa total crime incident.
Habang pagdating naman sa Peace and Order Indicator ay naitala ang nasa 58,730 crime incidents sa buong bansa na mas mababa ng 4.41% sa 61,441 incidents sa kaparehong tatlong buwan kumpara noong nakaraang taon.
Kung maalala, una nang sinabi ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa isang pulong balitaan na pagsisikapan pa ng Philippine National Police ang mas pagtataguyod pa ng peace and order sa bansa, paglaban sa kriminalidad at pagpapatupad ng batas matapos na makatanggap ito ng 62 hanggang 69 percent na performance rating batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Aniya, bagama’t mataas ang rating na natanggap ng pulisya ay kailangan pa aniya nilang makumbinsi ang taumbayan na tapat at sinserong ginagampanan ng mga pulis ang kanilang sinumpaang tungkulin.