-- Advertisements --
pnp chief rodolo azurin jr 1

Naglunsad ng crackdown laban sa mga unauthorized security personnel sa mga establisyemento ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sangkot sa ilegal na aktibidad o krimen.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Philippine National Police (PNP) PGen. Rodolfo Azurin Jr. na inatasan na niya ang PNP Civil Security Group at ang Police Regional Offices na magsagawa ng imbentaryo sa lahat ng kanilang Protective Agents na nagsisilbing “bodyguard” sa ilang VIPs, kabilang na ang mga dayuhang businessmen.

Kasunod ito ng mga ulat ng umano’y partisipasyon ng ilang lisyensadong Protective Agents sa mga krimen.

Batay kasi sa general rule, kinakailangan munang makatanggap ng awtorisasyon mula sa Special Duty Detail Order (SDDO) mula sa PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ang mga lisensyadong Protective Agents bago ito mapahintulutan na magdala ng armas at magsilbi bilang “bodyguard” ng kanilang protectees.

Samantala, bukod dito ay sinabi rin niya na dapat ay sakop din ng Authority to Deploy Protection Authority mula sa PNP chief, o PNP director for operations at SDDO na in-isyu naman ng SOSIA.