Ipapatupad ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa 235 local government units (LGUs) na may pinakamataas na pasanin ng childhood stunting at undernutrition, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ilalim ng proyekto, ang mga kalahok na munisipalidad ay tatanggap ng mga support package mula sa Philippine Multisectoral Nutrition Project sa anyo ng performance-based grants (PBG) para sa LGU at input support packages.
Ito ay tulad ng primary health care at nutrition commodities, municipal grant allocation (MGA) para sa mga sakop na komunidad o barangay, at capacity building.
Sakop din ng proyekto ang karagdagang 40 munisipalidad mula sa tatlong probinsiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na tinukoy bilang bahagi ng mga priority areas ng Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster (HDPRC) at Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN).
Ang DSWD at ang partner na Department of Health (DOH) ay magkatuwang na nanawagan sa mga LGU, mga pribadong sektor at komunidad na aktibong lumahok sa pagtugon sa laganap ng childhood stunting at nutritional deficiencies.