-- Advertisements --

Hinimok ngayon ng Philippine Iron and Steel Institute ang mga kinauukulan ng Pilipinas na pangalanan sa publiko ang mga nagbebenta at gumagawa ng mga substandard na bakal.

Ito’y sa kabila ng ginagawang pagsugpo ng bansa sa mga illicit trade na nagaganap dito.

Ayon sa Philippine Iron and Steel Institute, bagamat sang- ayon at pinupuri nila ang gobyerno dahil sa pagsisikap nitong pigilan ang ganitong uri ng illegal na gawain ay kinakailangan pa rin na mapawi ang pangamba at alalahanin ng publiko sa pagdating sa safety , stability at durability ng mga istruktura. .

Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Iron and Steel Institute Ronald Magsajo na sinusuportahan nito ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno upang masiguro na dekalidad na bakal lamang ang makakarating sa merkado.

Sinabi pa ng opisyal na patuloy ang kanilang paglaban at pagsugpo sa mga substandard at hindi sertipikadong bakal.

Ito aniya ay naglalayong protektahan ang publiko mula sa masasamang indibidwal sa ganitong industriya na patuloy na nagbebenta ng mga produkto na nagdudulot ng kompromiso sa integridad ng mga kabahayan, gusali at mga public infrastructure.

Ang paggamit ng mga substandard na bakal ay naglalagay rin sa milyong-milyong buhay sa kapahamakan.