Binuksan na ng Philippine eSports Organization (PeSO) ang magsisilbi nitong headquarters bilang governing body ng e-sports sa bansa.
Ang nasabing opisina ay matatagpuan sa Mandaluyong City, Metro Manila. Ito rin ang magiging unang phisycal office ng eSports simula nang maitatag ang nasabing organisasyon.
Sa pamamagitan ng opisina, umaasa ang buong organisasyon na makakabuo rin ito ng mga training facilities para sa mga miyembro ng eSports national team na mas kilala sa npangalang Sibol.
Ayon kay PeSO executive director Marlon Marcelo, malaking tulong ang mga training facilities upang matulungan din ang iba pang eSports fans at mga players na matuto at lalo pang malinang ang kanilang kakayahan.
Tiniyak din ng opisyal na gagamitin nila ang nasabing pasilidad upang mapagbuti pa lalo ang mga programang nakalaan para sa mga eSports players ng bansa, na una nang nagdadala ng maraming medalya.