-- Advertisements --

Naitala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang labis na pagtaas ng investment commitment sa unang pitong nakalipas na buwan ng kasalukuyanng taon.

Sa pahayag na inilabas ng Philippine Economic Zone Authority, nakasaad dito na umabot sa 332.05% ang naaprobahang mga investment sa unang pitong buwan ng 2023.

Nangangahulugan umano ito ng pagtaas ng investment commitment mula P22.489billion noong 2022 patungong P97.163 billion, sa kaparehong panahon.

Malaki ang naidagdag dito ng mga expansion program ng mga investors sa bansa.

Sa katunayan, sinabi ng PEZA management na bago natapos ang Hulyo ng taong kasalukuyan ay naaprubahan pa nito ang kabuuang P16.578billion na halaga ng investment para sa labinlimang bago at expansion projects sa bansa.

Ang nasabing halaga ay inaasahang makakapagbigay ng hanggang sa $419.5million na halaga ng export at inaasahang makapaglaaan ng hanggang 2,983 na trabaho para sa mga Pilipino.

Naniniwala naman ang pamunuan ng Philippine Economic Zone Authority na lalo pang tataas ang halagang makukuha nito sa kabuuan ng taon, lalo na at marami pang mga namumuhunan ang una nang nagpakita ng interest na mamuhunan dito sa Pilipinas.