-- Advertisements --
Biden and Marcos

Hindi nawawalan ng pag-asa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaharap sila ni US President Joe Biden.

Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kaninang Filipino Community event sa New Jersey Performing Arts Center.

Ayon sa Pangulo, mananatili ang pag-asa niya na magkaroon sila ng bilateral meeting ng Pangulo ng Amerika.

Kalakip ng positibong magkakaharap at magkaka-usap ay ang pananaw din naman sa kabilang banda ng Pangulo sa relasyong namamagitan sa Pilipinas at Amerika.

Sabi ni Pangulong Marcos na lalakas pa ang bilateral relations ng dalawang bansa sa harap ng nagpapatuloy na pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos.