-- Advertisements --

Nag-anunsiyo ang Philippine Coast Guard (PCG) ng suspensiyon sa ilan pang mga byahe sa karagatan dahil sa banta ng Tropical Storm Paeng.

Ang Coast Guard Station (CGS) sa Central Cebu, Camotes, eastern Bohol at Western Leyte ay nagdeklara ng pansamantalang suspensiyon ng biyahe sa mga lugar kung saan nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal para sa lahat ng sasakyang pandagat.

Gayundin ang Coast Guard Station sa Capiz nagpatupad na rin ng suspensiyon para sa lahat ng biyahe mula Roxas city patugong Romblon at vice versa.

Ang Coast Guard Station sa Ilocos Norte naman ay nagsuspendi na rin ng sea trips ng maliliit na sasakyang pandagat sa northern at western seabords ng probinsiya habang inalerto naman ang malalaking sasakyang pandagat sa malalaking alon.

Nakapagmonitor ang PCG ng moderate to rough seas sa Bicol at Eastern Visayas nitong umaga kung saan nasa kabuuang halos 1000 pasahero, drivers at cargo helpers, 478 rolling cargoes at 11 vessels ang stranded.

Sa kabila ng nararanasang masungit na panahon, nakamonitor din ang PCG sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero dahil sa Undas.

Sa monitoring ng PCG, nasa kabuuang 15,217 outbound passengers at 15,556 inbound passengers ang naitala sa lahat ng pantalan at waterways sa buong bansa.