Palalakasin ng Philippine at United States Marines ang mga hakbang na pangseguridad nito para maiwasan ang isa pang aerial intruder sa ikalawang ship-sinking exercise ng isang decommissioned tanker ng Philippine Navy na magsisilbing kunwaring barko ng kalaban.
Ang mga tropa mula sa Philippine Marine Corps (PMC) at United States Marine Corps (USMC) ay magsasanib-puwersa sa pagpapalubog ng dating BRP Lake Caliraya bilang bahagi ng Marine Aviation Support Activity (Masa).
Sinabi ni Ph Marine Corps Deputy Commandant Brigadier General Jimmy Larida, gaganapin ang ehersisyo sa layong 12 nautical miles mula sa San Antonio, Zambales sa Hulyo 13,
Aniya, sisiguraduhin ng kanilang panig na hindi na mauulit ang naganap na pagpasok ng isang intruder noong panahon ng bilateral war games sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas na kilala bilang “Balikatan” noong Abril.
Isang aerial interloper kasi ang nakipagsapalaran sa aerial territory din sa San Antonio, Zambales habang ang dalawang bansa ay nagsusumikap sa pagpapalubog ng mock target na isang decommissioned Philippine Navy corvette.
Upang maiwasang maulit, sinabi ni Larida na ang Marines ay nagsasagawa ng napakatatag na koordinasyon sa lokal na pamahalaan, Philippine Coast Guard at Philippine Navy.
Dagdag ng opisyal, nangako rin ang coast guard ng ilang sasakyang-pandagat upang ganap na ma-secure ang lugar para matiyak na walang aksidenteng mangyayari.
Una na rito, iginiit ni Larida na magiging ligtas sa lokal na populasyon, residente , at mga mangingisda ng San Antonio, Zambales ang gaganaping ehersisyo.