Nanawagan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na ipaalam sa kanilang tanggapan ang anumang kaso ng upcasing o anumang uri ng health insurance abuse.
Ginawa ng ahensya ang apela dahil na rin sa mga naglalabasang video posts kung saan ilang health care providers umano ang nakikipagtalo sa mga pasyente para idekla ang minor respiratory symptomes, tulad ng asthma, bilang coronavirus disease (COVID-19) para makakuha ng mas mataas na benefits.
Sa isang pahayag, umapela ang PhilHealth sa mga nag-post ng videos na magpakita ng proof at makipag-ugnayan sa ahensya upang imbistigahan ito.
Sa oras aniya na mapatunayang totoo ang mga alegasyon, titiyakin daw ng state health insurer na mapapanagot ang sinumang nasa likod ng tiwaling gawain.
Paliwanag ng PhilHealth ang upcasing ay tumutukoy sa anumang uri ng health insurance fraud na may kaparusahan na aabot sa P200,000 na multa sa bawat bilang, o suspensyon ng kontrata ng health care provider na aabot ng hganggang tatlong taon.
Tumutukoy din ito sa criminal violation na may kaparusahang pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon batay sa magiging desisyon ng korte alinsunod sa Section 38 ng Universal Health Care Law.
Nagpaalala rin ang PhilHealth sa publiko na responsibilidad ng bawat miyembro nito ang protektahan ang PhilHealth fund.
Umaapela rin ito sa sinumang may hawak ng credible information na ireport kaagad ito sa PhilHealth kalakip ang mga ebidensya na magdidiin sa naturang gawain.