Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga miyembro nito na ang umento sa coverage rates ng benefit packages para sa hospitalization expenses ay available lamang sa mga accredited na ospital sa bansa.
Sa kasalukuyan, ayon kay PhilHealth Acting Vice President for Corporate Affairs Group Rey Baleña, may mahigit 12,000 accredited healthcare partners ang Philhealth sa buong bansa at kaunti lamang ang hindi accredited.
Matatandaan na noong Nobiyembre 2023, inanunsiyo ng Philhealth na ang rates sa benefit packages ay tinaasan ng 30% para mapababa ang gagastusin pera ng mga Pilipino mula sa kanilang bulsa sa tuwing mag-aavail ng healthcare services gamit ang Philhealth.
Naging epektibo ang umento sa benefit rates noong Pebrero 14, 2024.
Kasabay nito ang pagtaas din ng premium o kontribusyon ng mga miyembro ng 5% ngayong taon alinsunod sa Universa Health Care law.