Isinasapinal na ng Phlippine Health Insurance Corp. ang home care package para sa mga may mild at asymptomatic COVID-19 patients.
Ayon sa Department of Health (DOH) na ang home care package ay binubuo ng vitamins, paracetamols, face mask, face shields, thermometer at disinfection supplies.
Maglalabas ang DOH ng circular ukol dito sa katapusan ng buwan.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa pagsasagawa ng orientation sa mga Barangay Health Emergency Response Teams sa buong bansa bilang paghahanda sa rollout ng nasabing package.
Noong Abril ay gumawa ang DOH ng home care package sa mga COVID-19 patients para makatulong sa pagbawas ng mga pasyente sa mga pagamutan.
Kinabibilangan ito ng ilang proseso gaya ng telemedicine, tiaging system ng mga local government units at ang pagbuo ng One Hospital Command Center.