-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng Philippine Health Insurance Corp. ang plano nilang pagtaas ng premium contributions.
Sinabi ni PhilHealth vice president for corporate affairs Rey Baleña na kanilang ipinapatupad lamang ang batas at sumusunod lamang sila sa isinasaad ng batas.
Ipinapaubaya na lamang nito sa mga mambabatas kung kanilang aamendahan ang nasabing pagtaas ng singil sa mga contributions.
Nakasaad kasi sa Universal Health Care Law na taunang magtaas ng singil ang Philhealth mula 2020 hanggang 2024.
Sa kasalukuyan ay ang premium rate ay nasa limang porsyento lamang at ito ay mananatili hanggang 2025.