-- Advertisements --
image 148

Ilang linggo matapos ang nmaging hacking incident sa sistema ng PhilHealth, tiniyak ng pamunuan na nakahanda itong humarap sa isang imbestigasyon.

Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, kung kakailanganin ay nakahandang tumulong ang Philhealth sa anumang isasagawang imbestigasyon.

Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan umano ang health insurer sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan na nagsasagawa ng mga follow up sa naturang ahensiya.

Kinabibilangan ito ng National Privacy Commission, National Bureau of Investigation, at ang Philippine National Police.

Una nang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na hindi pa natutunton kung sino ang hacker na umatake sa sistema ng Philhealt.

Nauna na ring kinumpirma ng kalihim na sinimulan nang ilabas ng nagpakilalang Medusa Ransomware ang mga nanakaw nitong datus mula sa health insurer.