-- Advertisements --
Sinisimulan na ng Senado na bilangin ang controversial payments at mga tauhan ng PhilHealth na sangkot sa naturang deals.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nais nilang makuha ang tamang detalye ng mga taong nasa likod ng paggamit ng bilyon-bilyong pondo ng government corporation.
Ang matutukoy na bilang aniya ang siya ring irerekomendang kaso laban sa PhilHealth officials.
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon mula nang ipatawag ang PhilHealth hearing ay dumalo na rin si Health Sec. Francisco Duque III.
Nangako ito na hindi niya ito-tolerate ang iligal na gawain sa ahensya.
Hinihintay raw niya ngayon ang magiging rekomendasyon ng investigating body para sa isyu ng katiwalian.










