-- Advertisements --

uscg5

Naniniwala si US Coast Guard Pacific Area commander Vice Adm. Michael McAllister na lalo pang mapalakas ang kanilang partnership sa Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng paglunsad ng joint maritime exercises.

Sinabi ni McAllister mahalaga ang malakas na ugnayan ng dalawang bansa lalo na sa pagtupad ng kanilang mahahalagang misyon gaya ng search and rescue and enforcement ng fisheries laws, kung saan mahalaga ito para sa security, stability and prosperity ng lahat ng mga bansa.

Noong Martes August 31, nagsagawa ng joint maritime exercise ang Philippine Coast Guard at US Coast Guard sa Subic Bay, Zambales na kanilang tinawag na Task Force Pagsasanay.

Kalahok sa nasabing maritime exercise ang barko ng PCG na BRP Gabriela Silang (OPV-8301, BRP Sindangan (MRRV-4407), BRP Capones (MRRV-4404), PCG-manned Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na barko, BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001), at ang airbus helicopter nito.

Sa panig ng US Coast Guard, ang USCG Cutter Munro (WMSL 755) na may Unmanned Aircraft System (UAS) Scan Eagle ang lumahok.

Sa pagdating ng barko ng US Coast Guard sa karagatan na sakop ng bansa, agad nagsagawa ng exercises on vessel communication, search and rescue (SAR), small boat operation, multi-vessel maneuvering, at emergency response operation gaya ng sunog onboard at man overboard.

uscg

Nakiisa din ang mga tauhan ng PCG at sumakay sila sa USCG Cutter Munro (WMSL 755) ng kanilang ilunsad ang unmanned aerial system scan eagle para sa isang senaryo ang search and rescue operation.

Naging pagkakataon din ito para talakayin ng PCG at USCG ang mga best practices na kanilang natutunan sa bawat isa.

Ang joint maritime exercise ay nakapaloob sa pagitan ng Philippine – United States cooperation para mapalakas pa ang security at paigtingin ang law enforcement interoperability sa maritime jurisdiction.

Ayon kay PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr ang malakas na partnership ng PCG at USCG ay malaking bagay sa kanilang modernisasyon lalo na sa pagtupad ng kanilang mandato gaya sa pagsugpo ng terorismo at iba pang acts of lawlessness na posibleng mangyari sa karagatan ng bansa.

uscg3

Para naman kay USCG Cutter Munro (WMSL 755)’s Commanding Officer, Captain Blake Novak, umaasa sila na magpapatuloy ang bilateral operations ng dalawang coastguard lalo na ngayon mataas ang maritime security challenges sa Indo-Pacific region.

Samantala, patuloy naman sa paghimok si USCG Commandant Admiral Karl Schultz sa mga personnel nito na magpa bakuna na dahil sa banta ng Delta Covid-19 variant.

May mga personnel pa kasi sila na hanggang ngayon ay hindi pa nagpa bakuna.
Naniniwala kasi ang top US Coast Guard official na mahalaga pa rin na magpabakuna para may proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.