-- Advertisements --

centino

Kumpiyansa si Phil. Army commanding general, Lt. Gen. Andres Centino na mawawakasan na ng militar ang problema sa insurgency bago matapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

Ayon kay Lt. Gen. Centino, “on track” ang militar sa pagtupad sa direktiba ng pangulo na durugin ang CPP-NPA.

“We are on track with what the president has mandated us to do. We are capable of doing this. Everything is in place. We have the support of the people, which is the most important. We also have the full support of the administration,” pahayag ni Lt.Gen. Centino.

Partikular na tinukoy ni Centino ang sunod sunod na tagumpay ng militar sa pagbuwag ng central committee, regional at sub-regional committees, at guerilla fronts ng teroristang grupo.

Malaking dagok aniya sa kilusang komunista ang pagkakanutralisa ng Phil. Army sa top NPA leader na nagmamando ng nationwide operations ng komunistang grupo na si Jorge Madlos alias “Ka Oris.”

Si Ka Oros ay namatay sa namatay sa enkwentro sa Impasug-ong, Bukidnon nitong nakalipas na Sabado.

Ayon sa heneral, malaking tulong din ang nilikha ng pangulo na National Task Force to End the Local Communist armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan katulong ng militar ang buong pwersa ng gobyerno para mawakasan ang insurhensya.

Pinapurihan naman ni Centino ang mga tropa sa kanilang matagumpay na operasyon na nagdulot ng malaking accomplishment.