-- Advertisements --
tank1

Muling pinagana ng Phil Army ang kanilang 1st Tank Battalion.

Kasabay ng reactivation ceremony ang deactivation naman ng 8th Cavalry Company na ginanap sa Armor Division’s Headquarters sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.

Mismong si Lt Gen Brawner ang nanguna sa nasabing seremonya.

Si Lt. Col. Don Frivaldo ang nag-assume bilang provisional battalion’s acting commander sa reactivation ceremony.

Ayon kay Phil. Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad ang mga personnel ng deactivated 8th Cavalry Company na siyang nagbibigay ng cavalry support sa103rd Infantry Brigade, 1st Infantry Division kung saan ang area of operations nito ay ang Lanao del Sur at ilang bahagi ng Lanao del Norte ang siyang bubuo sa reactivated na tank battalion.

Dagdag pa ni Trinidad malaki ang naging role ng nasabing company sa naging tagumpay ng AFP laban sa ISIS-inspired terrorists na umatake sa Marawi City nuong 2017.

Binigyang-diin din ni Lt Gen. Brawner ang kahalagahan ng tank battalion lalo na sa pagdepensa sa land domain ng bansa.

Dagdag pa ni Brawner, lalo pa mapapalakas ang operational capability ng armour units sa kanilang ikakasang ground operations laban sa anumang banta.

Ang tank battalion ay binubuo ng mga bagong acquired and upcoming assets gaya ng 18 Sabrah ASCOD light tanks, 10 Pandur 8×8 wheeled light tanks, isang command vehicle, isang recovery vehicle, at isang tank gunnery simulator na binili sa ilalim ng AFP Revised Modernization Program’s Horizon 2.

“Looking at the future operational landscape, the Philippine Army has reactivated the 1st Tank Battalion to provide our infantry and mechanized infantry forces with advanced firepower capability and enhance the standards of protection, especially in conducting contingency missions and combined arms and joint operations in the country,” pahayag pa ni Lt. Gen. Brawner.