Maghahain
ng mosyon sa korte ang Department of Justice (DoJ) upang mapigilan
ang ano mang tangkang paglabas ng bansa ng mga naarestong suspek sa
pagpatay sa broadcaster ng Visayas na si Dindo Generoso.
Ayon
kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, maghahain sila ng precautionary hold
departure order (PHDO) sa korte laban sa businessman na si Tomasino
Aledro, Police Corporal Roger Rubio, retired policeman Glenn Corsame
at Teddy Salaw.
Una rito, tiniyak naman ng kalihim na kanyang personal na tututukan ang kaso ni Genoroso bilang chairman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS)
Dakong alas-7:30 ng umaga noong Nobyembre 7 nang tambangan ng nag-iisang gunman si Dindo Generoso habang lulan ng kanyang sasakyan sa Hibbard Avenue Brgy. Piapi sa Dumaguete City sa Negros Oriental habang papasok na sana sa kanyang programa sa radio station.