Maayos pa rin at hindi nawawala si Krizle Grace Mago, ang head ng Pharmally regulatory affairs.
Ito ang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros, kasunod ng pagkabahala ng ilan para sa kaligtasan ni Mago.
“Ligtas pa rin siya hanggang sa puntong ito, pero gusto ko ipaalam sa kanya concerned din ako sa kanyang kaligtasan,” wika ni Hontiveros.
Matatandaang ilang araw matapos na aminin ng naturang Pharmally official na nagta-tamper nga sila ng expiration date ng medical supplies, bigla na lang nawalan ng komunikasyon ang Senate panel sa kaniya.
Ayon naman kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, nananatili silang bukas kung sakaling magiging testigo si Mago sa usapin ng pagsu-supply nila ng medical supplies sa DOH sa pamamagitan ng PS-DBM.
Sa Huwebes, inaasahan ang ika-10 pagdinig ng lMamayang ala-1:00 ng hapon ay maglalabas ng pahayag ang Senate panel ukol sa nasabing usapin.