Isiniwalat ng testigong si Ramil Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice na pinondohan umano ng mga executive ng Pharmally ang presidential campaign ni Vice President Sara Duterte noong 2022.
Ayon Kay Madriaga, inatasan siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng grupong “Inday Sara Is My President” o ISIP.
Isa umano sa nagbigay ng pondo si Lin Wei Xiong na nag-abot ng ₱175 milyon sa isang hotel sa Quezon City.
Dagdag pa niya, nang maubos ang pondo, kumuha umano sila ng karagdagang ₱100 milyon mula kay “Maestrado Lim,” na iniuugnay kay Tony Yang, kapatid ni Michael Yang.
Ayon kay Madriaga, ginamit ang pondo para sa campaign operations, ngunit kalaunan ay binago ang plano at tumakbo si Sara bilang bise presidente ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
















