-- Advertisements --

US4

Matagumpay na nagtapos ang PH-US Army Artillery sa Rocket System Subject Matter Expert Exchange (SMEE) na may High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) Live Fire Exercise (LFX) na ginanap sa Army Artillery Regiment Long Precision Firing Area sa Brgy Canantong, Laur, Nueva Ecija noong July 7, 2023.

Ang Rocket SMEE ay bahagi ng PH-US Combined Exercise Salaknib 2023 na idinisenyo upang palakasin ang interoperability sa pagitan ng dalawang puwersa.

May kabuuang 20 training rocket ang pinaputok sa panahon ng Live Fire Exercise na dinaluhan ng humigit-kumulang 500 observers mula sa iba’t ibang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nagtapos ang aktibidad sa paggawad ng prestihiyosong Honorable Order of Saint Barbara medallion kay Col. Hubert Acierto, Deputy Regiment Commander, Army Artillery Regiment dahil sa ipinakitang outstanding degree of professional competence; nagsilbi sa U.S. Army Field Artillery with selflessness; at may malaking ambag sa promotion of the Artillery.

Pinuri ng pamunuan ng Army ang pagsisikap ng AAR sa pagpapaunlad ng mga kakayahan at kasanayan ng indibidwal sa pamamagitan ng pagsasanay na makatutulong sa pagtupad sa misyon ng command.