-- Advertisements --

Nangako ang Estados Unidos na mananatiling tapat sa pangako nitong tulungan ang Pilipinas sa isang “evidence-based” campaign kontra iligal na droga.

Aminado si Asst. Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs David Stilwell na hindi nagkakalayo ang problema ng Pilipinas at Amerika sa usapin ng illegal drugs.

Nais ng opisyal na magkaroon ng kasunduan ang dalawang estado para magpalitan ng impormasyon at stratehiya para masugpo ang iligal na droga nang hindi nako-kompromiso ang human rights ng mga sibilyan.

“We remain committed to working together on evidence-based approaches to reducing drug demand by improving prevention, treatment and rehabilitation services,” ani Stilwell sa kanyang talumpati sa 8th Bilateral Strategic Dialogue.

“I want to continue sharing information and best practices to jointly combat this common challenge in a manner that will respect human rights and the rule of law.”

Sa nakalipas na linggo mainit na pinagdebatehan ng mga opisyal ang desisyon ng United Nations Human Rights Council na nag-adopt sa resolusyong inihain ng Iceland.

Sa ilalim kasi nito, sisilipin ng UN ang sitwasyon ng human rights sa bansa, gayundin ang war on drugs campaign ng administrasyon.