Tumagal lamang ng mahigit 10 minuto ang paghimay ng Senate sub committee on finance sa P140 million proposed budget ng Games and Amusement Board (GAB).

Dito ay inusisa ni Sen. “Bong” Go kay GAB Chairman Abraham Kahlil Mitra ang isyu ng mga atletang nasasangkot sa iligal na droga.

Aminado si Mitra na limitado ang kanilang kapangyarihan ngunit sinisikap nilang mabantayan ang mga atleta sa tulong ng iba pang sangay ng pamahalaan.

Kabilang na aniya rito ang Department of Health para sa mga kinakailangang pagsusuri sa mga manlalaro, tulad ng drug test.

Maging ang mahigit P200 million budget ng Philippine Sports Commission (PSC) ay mabilis ding nailusot sa nasabing komite.

Hindi na raw pinatagal ang PSC dahil abala sila sa paghahanda sa paparating na Southeast Asian Games 2019.