-- Advertisements --
Naghanda ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga pasilidad na kailangan para maaaring maging epekto ng bagyong Kabayan.
Kabilang sa mga nag-activate ng kanilang paghahanda ang Red Cross – Davao de Oro Chapter, Red Cross Capiz Chapter, at Red Cross Negros Occidental at Bacolod City Chapter.
Sa direktiba ni Philippine Red Cross Chairman and CEO Dick Gordon, inatasan ang mga nasa lugar na daraanan ng bagyo na doblehin ang kahandaan upang matulungan ang higit na maraming mamamayan.
Para sa oras ng emergency, naglaan din ang PRC ng Hotline 143 o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na chapter sa kanilang lugar.
Maging ang national headquarters ng PRC ay may mga paghahanda na rin, kung kakailanganin ang kanilang suporta.