Nagbabala ang Philippine Red Cross sa publiko ukol sa banta ng leptospirosis dahil sa bahang idinulot ng magkakasunod na ulan dahil sa mga nagdaang bagyo sa bansa.
Ayon kay PRC chairman Sen. Richard Gordon, naghahanda na ang kanilang hanay para maibaba sa komunidad ang mga hakbang na madaling sundin laban sa impeksyon.
“We are preparing a standard campaign that I know our kababayan can simply follow. We are taking the next steps to secure the people from leptospirosis,” ani Gordon.
Isang uri ng bacterial infection ang leptospirosis na nakukuha sa dumi ng hayop, lalo na ng mga daga, na kontaminado ng leptospira spirochetes bacteria.
Ilan sa kilalang sintomas ng sakit ang lagnat, pananakit ng katawan at sakit sa ulo.
“In some cases, calf-muscle pain and reddish eyes are the symptoms. Severe cases can result in liver or kidney failure, with the brain being affected. Noticeable signs can be a yellowish body discoloration, dark-colored urine and light stools, low urine output, and severe headache.”
Pinayuhan na raw ng PRC ang mga pagamutan, health workers at komunidad na i-check kung may sintomas na sa kanilang lugar.
Hinihimok ng institusyon ang publiko na iwasan ang paglangoy at paglalakad sa tubig baha; kung hindi raw maiiwasan ay magsuot ng bota; siguruhing nako-kontrol ang mga pesteng daga; at napapanatiling malinis ang kapaligiran.
“Aside from these measures, PRC mobilized its Health Services to reach out to the communities.”
“Health campaigns are sent to evacuation centers, while information materials are distributed to concerned institutions accordingly.”