-- Advertisements --

Bumaba ng isang ranggo ang Pilipinas mula sa ika-52 noong 2022 ay pumwesto sa ika-53 ito mula sa 167 bansa at teritoryo sa 2023 Democracy Index ng think tank na Economist Intelligence Unit na nakabase sa London.

Nakakuha ng 6.6 out of 10 na puntos ang PH, kayat nananatiling nasa “flawed democracy” category pa rin ang bansa noong nakalipas na taon.

Sa Democracy Index, sinuri ng think tank ang estado ng pandaigdigang demokrasiya base sa 5 kategorya kabilang dito ang electoral process and pluralism, pagpapatakbo ng gobyerno, political participation, political culture, at civil liberties.

Sa PH, nakakuha ito ng 9.17 puntos sa electoral process and pluralism; 4.64 sa pagpapalakad ng gobyerno 7.78 sa political participation; 4.38 sa political culture; at 7.35 sa civil liberties, nagresulta ito sa “flawed democracy” category o kabilang sa mga bansa kung saan ang halalan ay patas at malaya at kinikilala ang basic civil liberties subalit mayroong ilang mga isyu.