volleyball mens
Men’s Volleyball

Binasag ng Pilipinas ang 28-year medal drought nito sa SEA Games volleyball matapos talunin ang Thailand sa semifinals ng men’s division.

Umabot ng 5-sets ang mainit na pukpukan sa ibabaw ng net ng defending champion na Thailand at team Pilipinas na 1991 pa huling nag-podium finish kung saan nakakuha sila ngĀ  bronze medal.

Top scorer ng laban ang open hitter na si Bryan Bagunas na nagpakawala ng 27 points.

Humabol din ng 20 points si Mark Espejo.

Hindi makapaniwala si head coach Dante Alinsunurin sa kanilang panalo pero nangakong pagbubutihan sa darating na finals match sa Martes para sa inaasam na gintong medalya kontra Indonesia.