Namahagi rin ng humanitarian assistance at tulong ang Philippine Navy sa mga nasalantang residente ng Bagyong Opong sa Masbate.
Ito ay sa pangunguna ng Naval Forces Southern Luzon na siyang naghatid ng mga paunang tulong mula sa tanggapan nila Sen. Risa Hotinveros at Sen. Bam Aquino.
Ito ay bilang pagtalima ng Hukbong Dagat sa mga naging inisyatibo ng dakawang senador na gawing tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente sa lugar.
Ito ay maliban pa sa paghahatid nila ng humanitarian aid sa Cebu na siya namang natamaan ng magnitude 6.9 na lindol nitong nakaraang linggo.
Samantala, aabot naman sa 5,000 mga family food packs ang naihatid mula sa Albay hanggang Masbate sa ilalim na rin ng mahigpit na koordinasyon nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Patuloy naman ang Sandatahang Lakas sa pagiging logistics partner ng pamahalaan para sa mabilis na pagpapaabot ng mga paunang tulong sa nga apekatadong residente at nasalanta ng mga nagdaang kalamidad.