loops: Ph Navy / Ph Navy chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr / Israel Minister of Foreign Affairs Eliyahu Cohen / mga barko ng Ph Navyakikinabang nang malaki ang patuloy na programa ng modernisasyon ng Philippine Navy sa malakas na pakikipagtulungan nito sa Israel.
Ginawa ni PN chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang pahayag matapos ang pagbisita ni Israel Minister of Foreign Affairs Eliyahu Cohen sa Navy headquarters sa Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila.
Kabilang kasi sa mga produkto ng malakas na pakikipagtulungan ng PN sa Israel ay ang pag-install ng mga launcher at Spike-ER missiles sa anim nitong multi-purpose attack craft.
Gayundin ang paghahatid ng apat sa siyam na Shaldag Mark V patrol boat na kilala bilang Acero-class gunboats sa serbisyo ng Pilipinas.
Dagdag pa ang refurbishment ng naval shipyard sa Sangley Point, Cavite, at ang nakabinbing paghahatid at pag-install ng mga non-light-of-sight (NLOS) missiles at launcher para sa patrol craft na ginawa ng Israel.
Nagpasalamat din si Cohen sa PN para sa matagal nang itinatag na pakikipagtulungan nito sa Israel at itinuturing itong priyoridad para palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.
Una nang nabanggit ni Adaci na ang courtesy call ni Cohen ay nakatulong sa higit na pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang bansa, na nagbigay daan para sa hinaharap na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Israel at Pilipinas.