Nilinaw ng Department of Health (DOH) na expanded testing ang ginagawa ngayon ng pamahalaan at hindi mass testing.
Pahayag ito ng DOH matapos sabihin ng Malacanang na wala pang sapat na resources ang bansa para sa COVID-19 testing ng mas nakararaming Pilipino.
“Ang sinasabi po natin ay expanded testing. Nung initial months po, we are testing the vulnerable and severe cases. We have since expanded it to include those with mild symptoms,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
“Even asymptomatic is being tested now, but only those with exposure.”
Ani Vergeire, kung limitado man ang resoruces ng gobyerno ngayon, dapat na mas maging focused ito sa target.
Iniiwasan daw kasi nilang mag-depende sa tinatawag na mass testing, dahil wala raw itong malinaw na basehan.
“We are trying to veer away from this term of mass testing because when you say mass testing, it is indiscriminate testing, which is not the case.”
“Kailangan tayo mag-focus. Kailangan natin i-test ang mga may exposure at may mga sintomas. Hindi po natin ikinakaila na hindi ganun karami ang ating resources, pero ang protocol po natin ay expanded testing.”
Target ng pamahalaan ang 30,000 tests kada araw pagdating ng May 30.
Sa huling datos na hawak ng DOH noong May 13, nasa 189,469 tests na ang nagawa sa 184,857 na indibidwal.
Nitong May 15, umabot sa 11,127 tests ang nagawa ng certified laboratories sa loob ng isang araw.