-- Advertisements --
image 144

Nakikitang magaangkat ang Pilipinas ng karagdagang liquefied petroleum gas (LPG) ngayong taon.

Ito ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng local production sa gitna ng tumataas na demand sa mga residential at commercial consumers ayon sa think tank na Fitch Solutions sa pamamagitan ng unit nito na BMI.

Ayon sa BMI research, inaasahang magaangkat ang bansa ng 55,000 bariles kada araw ng LPG ngayong taon, may pagtaas ito mula sa 51,000 bariles kada araw noong 2022.

Napag-alaman din sa isang pag-aaral na ang Bataan refinery ng Petron Corporation na exclusive producer at supplier ng LPG para sa domestic consumption ay nakikitang hindi tataas ang kanilang production kahit pa i-maximize nito ang LPG production sa pangmatagalang panahon.

Tinataya din na lolobo ang demand ng LPG sa bansa sa halos 70,000 bariles kada araw ngayong taon mula sa halos 60,000 bariles kada araw noong 2022.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang pangalawa sa pinakamalaking importer ng LPG sa buong Southeast Asia.