-- Advertisements --
PSA

Lumawak pa ang trade deficit sa $5.74 billion noong Enero ng kasalukuyang taon matapos na malampasan ng importasyon ang exports ng bansa base sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ang biggest trade deficit mula noong agosto ng nakalipas na taon na nakapagtala ng monthly deficit na $6 billion.

Tumaas ang trade gap ng bansa sa 27.2% noong Enero kumpara sa pagbaba na naitala noong nakalipas na buwan na 11.9% at pagtaas naman ng 57% noong Enero 2022.

Bunsod nito, pumalo ang external trade noong Enero sa $16 billion na bumaba ng 2.4%.

-- Advertisement --

Ayon pa sa data ng PSA ang kabuuang exports sale ng bansa ay umakyat ng $5.23 billion habang ang imports naman ay lumago ng 3.9% na nasa $10.97 billion.

Ang pangunahing export partners ng bansa ay ang Japan, US, China, Hong Kong, Singapore, Thailand, Korea, Germany, Netherlands at Taiwan habang ang mga import ng bansa ay pangunahing nanggagaling sa China, Indonesia, Jaan, Korea, the US, Singapore, Thailand, Malaysia, Taiwan at Vietnam