-- Advertisements --

Naghain na ng panibagong diplomatic protest ang pamahalaang Pilipinas laban sa panibagong pambu-bully ng China sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Kasunod nito, ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang senior official ng Chinese Embassy para hingan ng paliwanag hinggil sa pangyayari.

Nabatid na nagsasagawa ng research activity sa West Philippine Sea ang mga ekspertong sakay ng ating barko, nang mangyari ang paglapit ng Chinese vessel.

Tinuran ng DFA na sinusuri na nila ang mga impormasyon kaugnay sa insidente na naganap sa pinag-aagawang teritoryo.

Muli ring iginiit ng DFA ang ating pagkapanalo sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 kaugnay sa isyu ng teritoryo sa naturang bahagi ng karagatan.