Volleyball team
Volleyball

Pasok na sa semifinals ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games Men’s volleyball tournament ang koponan ng Pilipinas matapos talunin sa straight sets ang Vietnam.

Ang final score: 25-20, 25-21, 25-12.

Top scorer ng koponan ang Pinoy import mula Japan na si Bryan Bagunas na tumira ng 22 points may 13 points din si Mark Espejo.

Ayon kay team captain Johnvic De Guzman, malaking boost sa morale ng team ang panalo dahil nilampaso rin sila ng Vietnam noong eliminations ng 2017 SEA Games.

Sa Biyernes haharapin naman ng men’s team ang dating 2nd placer na team Indonesia.

Bukas naman susubukan ng women’s team na makasungkit ng unang panalo kontra defending champions na team Thailand.