-- Advertisements --

Pasok na sa 2027 World Championship ang Philippine men’s lacrosse team matapos magtala ng 10-9 overtime victory kontra Japan sa 2026 Asia-Pacific Men’s Lacrosse Tournament.

Baon ang 4-7 pagkatalo sa halftime, ipinakita ng Nationals ang matinding determinasyon nang umiskor ng limang goals sa ikatlong quarter upang makahabol at manatili sa laban.

Nakapagdagdag pa ng dalawang goals ang Japan sa pagtatapos ng laro, ngunit nagawang ipilit ng Pilipinas ang overtime sa iskor na 9-9.

Sa extended period, si Nicholas Marsh ang tumayong lider matapos itarak ang game-winning goal sa ika-75 minuto, na tuluyang naghatid sa Pilipinas ng tiket patungo sa 2027 World Championship na gaganapin sa Japan.

Nabatid na ito ang ikatlong sunod na pagsali ng Pilipinas sa world meet mula nang mag-debut ito noong 2018 sa Netanya, Israel, kung saan nagtapos ang koponan sa ika-10 puwesto.