-- Advertisements --
image 133

Sa gitna ng mga napaulat na namataang pagpapabagsak ng hinihinalang spy balloons, inihayag ng mga awtoridad na mayroong kapasidad ang Pilipinas para madetect ang mga flying object depende sa ilang factors.

Mayroon aniyang air surveillance radar equipment ang Armed forces of the Philippines (AFP) na kayang makapag-detect pero nakadepende ito sa altitude, size at speed ng flying objects.

Gayundin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay kaya ding makapagdetect ng naturang flying objects subalit ito naman ay nakadepende sa taas na maaabot ng isang commercial aircraft.

Ginawa ng mga awtoridad ang naturang mga pahayag kasunod nga ang mga napaulat kamakailan na flying objects kung saan napabagsak ng Amerika ang Chinese balloon na hinihinalang isang spy tool.