-- Advertisements --
Maaaring maging kauna-unahang bansa ang Pilipinas na tumatalima sa Global Compact for Migration (GCM) kapag ganap na naisabatas ang Department of Overseas Filipinos (DOFIL).
Sa pagpapatuloy ng Senate hearing sa nasabing bill, inisa-isa ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles ang mahahalagang punto para sa pagbuo ng nasabing tanggapan.
Magpapabilis na rin umano ito para matulungan ng gobyerno ang mga manggagawang nakabase sa ibang bansa.
Dagdag pa rito ang magandang pagtrato sa mga Filipino, dahil may isang ahensya nang tutugon ng mabilis sa anumang concern ng ating mga kababayan sa labas ng bansa.