-- Advertisements --
Maaaring makamtan ang mas mababa sa 500 kaso ng covid19 kada araw sa bansa pagsapit ng buwan ng Abril ayon sa OCTA Research.
Sa laging Handa briefing ngayong araw, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research Team na umaasa sila na ngayong Holy week ay bumaba ng hanggang 500 ang daily cases sa bansa.
Iniulat ni Ong na ang covid19 reproduction number o ang bilang ng indibidwal na nahahawaan ng isang infected case ay bahagyang bumaba sa 0.26.
Ito ay kung walang bagong variant of concern ang madedetect sa bansa.
Ayon kay Ong, ang Calabarzon, central Luzon at Western Bisayas ay nakapagtala na lamang ng double digits na daily covid19 cases.
Nitong Biyernes, nsa kabuuang 545 ang naitalang bagong kaso ng covid19 sa bansa.