-- Advertisements --

Pang-tatlumpo ang Pilipinas sa 163 bansa na may pinakamaraming account na na-hack noong 2023 ayon sa isang pag-aaral na inilabas ngayong araw ng cybersecurity company na Surfshark.

Base sa naturang data, nasa 705,470 ang breached accounts noong nakalipas na taon, mas mababa kumpara sa mahigit 1.3 million naiatal noong 2022.

Pagdating sa bilang ng na-leak na accounts sa kada 1,000 residente, bumuti ang ranking ng PH mula sa ika-70 pwesto sa ika-77.

Ayon sa naturang cybersecurity company, nangyayari ang data breach kapag ang confidential at sensitibong mga datos ay na-expose sa hindi awtorisadong third parties.

Samantala ang mga bansang nasa top list ng may pinakamaraming bilang ng na-breach na account ay ang USA (96.7 million), Russia (78.4M), France (10.5M), Spain (7.8M), India (5.3M), Taiwan (4M), Australia (3.5M), Italy (3.4M), United Kingdom (3.3M) at Brazil (3.3M).

Habang ang China na sinasabing nasa likod umano ng hacking incidents ay ika-12 sa may pinakamaraming breached online accounts noong 2023.