Hinimok ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Ruso na mamuhunan sa bansa at maging sunod na travel destination matapos na maibulsa ng PH ang Tourism Destination of the Year award mula sa Russian-Asian Union of industrialists and Entrepreneurs noong nakalipas na linggo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ng naturang industriya ang bansa bilang isang promising tourism at investment destination para sa Russians.
Si PH Ambassador to Russia Igor Bailen ang tumanggap ng naturang parangal sa seremoniya na ginanap sa Moscow noong Disyembre 15.
Sa pag-anyaya sa mga Russian investor, binigyang diin ng PH envoy na nagpatupad ang PH ng mga reporma sa ekonomiya sa pangunahing public service sector kayat nagawang maisakatuparan ang 100 % foreign ownership.
Sinabi naman ng presidente at chairman ng industriya na si Vitaly Mankevich na ang pagkakaroon ng dircet flights sa pagitan ng PH at Russia ay makakatulong para sa tagumpay ng turismo ng bansa at binigyang diin ang suporta ng grupo sa paglikha ng paborableng mga kondisyon para sa mapataas ang bilang ng mga turistang Ruso sa bansa.