
Hinihiling ng Pilipinas sa Israel na ang mga Pilipino sa mga unang batch na lilikas mula sa Gaza matapos nitong buksan Rafah border.
Sinabi ni DFA Usec. Eduardo De Vega na inuuna na ngayon ng Israel ang mga miyembro ng mga international organization at dalawang Pilipinong manggagamot na may Doctors without Borders na kabilang sa mga napiling lumabas na ng Gaza at tumawid sa Egypt.
Aniya, pahihintulutan muna ng Israel ang mga tao na lumabas sa Gaza at tumuloy sa hangganan ng Egypt kung saan sila ipoproseso ng mga Egyptian para makapasok.
Matatandaan na ang pagtawid sa hangganan ng Rafah ay nagbukas para sa ligtas na paglikas ng mga kritikal na nasugatan na mga Palestinian, at ilang dayuhang na-stranded sa Gaza Strip.
Ang unang grupo ng mga evacuees ay kinabibilangan ng mga sugatang sibilyan at ilang dayuhang may hawak ng pasaporte kabilang ang mga nagtatrabaho sa United Nations at iba pang internasyonal na organisasyon.
Sa ngayon, inihahanda na ng Philippine Embassy sa Cairo ang posibleng anunsyo na bubuksan ang hangganan para sa ligtas na paglikas ng mga Pilipino.










