-- Advertisements --
Nanawagan ang Philippine Football Federation (PFF) sa mga Filipinos na dapat ay maging mainit pa rin ang suporta sa Philippine Azkals.
Sa nalalapit na halos isang buwan ng panibagong FIFA World Cup qualifying campaign ay nais nila na maging mainit ang suporta ng mga Pinoy sa football team ng bansa.
Ayon kay PFF president Mariano Araneta na marapat na mapuno ng mga Pinoy ang Rizal Memoral Stadium sa pagsisimula muli ng FIFA World Cup Qualifiers.
Unang makakaharap kasi ng Azkals sa Nobyembre 16 ang Vietnam na gaganapin sa bansa.
Nasa Group F kasi ang Pilipinas kasama ang Iraq, Vietnam at Indonesia para sa second round ng qualifiers.
Target din kasi ng Azkals na makapasok sa World Cup gaya ng ginawa ng Filipinas Football team.