-- Advertisements --

Ipinahayag ng Philippine Embassy sa Washington na dapat maging maingat at well-informed ang mga Filipino-American (Fil-Am) tungkol sa bagong panukalang batas sa U.S. Senate na naglalayong tapusin ang dual citizenship.

Ayon sa Embahada, ang panukala ay kasalukuyang nasa proposal palamang at hindi ganap na batas.

Kung saan dadaan pa ito sa maraming yugto ng deliberasyon sa Kongreso ng Estados Unidos, at maaaring ipasa o tanggihan.

Sang-ayon din ang embahada na dapat timbangin ng mga mambabatas ang posibleng epekto nito sa mga pangunahing grupo ng imigrants sa bansa.

Sa ngayon ay pinapayuhan ng Embahada ang publiko na ang pagtanggi sa pagiging Pilipino para sa pagiging US citizen ay permanente.

Dagdag pa ng Embahada, patuloy silang naka monitor sa progreso ng panukala at hinihikayat ang Fil-Am community na maging mapanuri bago gumawa ng anumang desisyon.