Ibinahagi ng aktres at content creator na si Bea Borres ang dahilan kung bakit siya naging hindi gaanong aktibo sa social media, dahil sa mabilis na pagbabagong dala ng kanyang high-risk pregnancy.
Sa isang post noong Disyembre 6, sinabi niya na huminto muna siya sa pagpo-post habang hinaharap ang mga hamon ng kanyang kalusugan.
Aminado si Bea na naapektuhan ang kanyang kumpyansa sa sarili dahil sa mga pisikal na pagbabago tulad ng breakouts, keloids, gingivitis, at hormone-induced body acne.
Sa ipinakita niyang mga larawan ramdam nito ang realidad ng kanyang pregnancy journey, at sinabing nais nitong ipakita na ang pagiging ina ay nagsisimula sa mismong pagdadalang-tao, hindi lang sa pagkakaroon ng sanggol.
Sa kabila ng mga hamon, pinapaalala niya sa sarili na mahalaga ang bawat bahagi ng journey.
Nagpasalamat din siya sa kanyang support system, kabilang ang mga kaibigan at pamilya, na nagbibigay ng lakas at kumpiyansa.
Matatandaan na noong Nobyembre, inihayag ni Bea na tinanggihan niya ang ilang brand commitments upang masiguro ang kaligtasan ng kanyang sanggol at madalas siyang pumupunta sa ospital para sa check-ups, kabilang ang muntik na preterm labor.











