Sa isang walong minutong vlog, emosyonal na inamin ng 22-anyos na content creator at aktres na si Bea Borres na hindi niya inaasahang magiging ina siya sa murang edad, ngunit masaya at sabik siyang salubungin ang kanyang magiging unang anak.
Aniya, bagamat hindi siya handa, nangako siyang magiging pinakamagaling na ina para sa kanyang magiging anak.
‘I promise you and to everyone that gets to watch this in the future that I’d really really be the best mom. It’s true that I’m not ready, but I don’t think anyone or anything prepares you for motherhood,’ paglalahad nito.
Bago pa man ang gender reveal party, pinili ni Bea na ipa-email muna ang kasarian ng sanggol upang magkaroon siya ng pribadong sandali kasama ang kanyang baby.
Anuman ang kasarian, sinabi niyang mahalaga ay ligtas at malusog ang kanyang anak.
Ibinahagi rin ni Bea ang pagiging-proud sarili dahil nalalagpasan niya ang mga hamon ng pagbubuntis at tinawag ang kanyang anak bilang pinakamalaking biyaya sa kanyang buhay.
‘I’m just so proud of myself. Kaya ko, kinakaya ko, and I love that you could be my biggest and greatest blessing that I could ask for in life,’ ani pa ng content creator.
Dagdag pa nito nang ibahagi niya ang balita sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, na nakakuha naman ng pagmamahal at suporta. Maging ang kanyang matalik na kaibigan na si Andrea Brillantes ay naging emosyonal din.
Masaya ring ibinalita ni Bea na ang kanyang pagbubuntis ay low-risk at ligtas ang kondisyon niya at ng sanggol.