Para kay Interior Sec. Eduardo Año makakabangon pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas kahit in-extend ng pamahalaan ang implementasyon ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Nilinaw ni Año na bago nag-desisyon ang Pangulong Duterte na palawigin ang ECQ sa Luzon ay napag-usapan at kinonsidera nila ang sektor ng ekonomiya.
Lumabas daw sa ginawa nilang computation na kaya pa ng bansa kung mae-extend ang malawakang quarantine, dahil ang pinaka-target naman talaga ngayon ay mapabagal ang pagkalat ng virus.
“Ibig sabihin, if there are losses in the economy, kaya pa ‘yang i-recover because we need to do this in order to really meet the first objective of slowing down the virus spread and actually stop the spread,” ayon sa kalihim.
“Magi-spike na kaagad tayo kasi people will move, people will be comfortable, and everybody will move… sayang naglock ka na tapos kumbaga, nag-antibiotics ka eh hanggang tatlo araw feel better ka in-istop mo na ‘yung antibiotics mo,” dagdag ni Año.
Kaugnay nito tiniyak ng Interior secretary na walang babaguhin sa guidelines.
Ipinaalala lang nito ang magpapatuloy ang mandatory requirement ng face masks at maluwag na daloy ng mga supply tulad ng pagkain.
“Continue pa rin ‘yung mandatory requirement wearing a face mask at saka making sure that all cargoes will be unhampered, food production, food supply chain will be allowed para maensure ‘yung supply of food.”
Kung maaalala, isa si Año sa mga nagsabi noon na hindi advisable ang extension dahil maaapektuhan nito ang ekonomiya ng bansa.