-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health ngayong araw, May 25, ng 284 na bagong nag-positibo sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa bansa. Umakyat na sa 14,319 ang total ngayon ng COVID-19 cases sa bansa.
Mula sa mga bagong tinamaan ng sakit, 171 ang galing sa National Capital Region; 70 sa Central Visayas; at 43 sa iba’t-ibang rehiyon.
Nakasaad din sa case bulletin na inilabas ng DOH na nasa 3,323 na ang total recoveries dahil sa 74 na bagong gumaling.
Lima naman ang nadagdag sa death toll na nagpaakyat ng total sa 873.
Mula sa higit 14,000 total confirmed cases, higit 10,000 ang aktibong kaso ayon sa DOH.