-- Advertisements --

Nasa 12,513 na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa, batay sa anunsyo ng Department of Health (DOH).

Ayon sa case bulletin ng ahensya, may 208 na bagong nag-positibo sa sakit na naitala ngayong araw.

Ang 174 daw sa mga ito ay galing sa National Capital Region; 33 ang sa iba’t-ibang lugar; habang isa lang ang bagong kaso sa tinututukan na rin na Central Visayas.

May 74 naman na bagong gumaling, na nagpaakyat sa total recoveries na 2,635.

Habang pito ang bagong binawian ng buhay. Nasa 824 na ang ang total deaths.