-- Advertisements --
Pumalo na sa 11,618 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa case bulletin ng ahensya, may 268 na bagong naitala na mga tinamaan ng sakit.
Ang 165 daw sa mga ito ay nai-report mula sa National Capital Region; ang 58 ay galing sa Central Visayasl habang ang 45 ay sa iba’t-ibang lugar.
Nakapagtala naman ang DOH ng bagong pinakamataas na bilang ng mga gumaling.
Ngayong araw, may nai-record na 145 new recoveries kaya ang total au nasa 2,251.
Samantalang may 21 na bagong namatay, nagpaakyat sa 772 total deaths.